Wednesday, February 16, 2005
isang araw..
nakilala kita..
isang matamis na ngiti
di ko matago ang aking kilig
binalikan ko ang kahapon
narinig ko ang kasiyahan noon
init ng mga yakap
langit sa isang sulyap.
isang araw..
bigla akong nagising
alaala ng isang ikaw
at walang katapusang hiling
naaalala ko pa rin lahat
ngunit ako'y biglang namulat
tila panaginip lang lahat
di ko alam kung saan nag-ugat
isang araw..
tinitigan ko ang yong mga mata
naghanap ako ngunit di ko na makita
mga alaalang tuluyang nang nawala
bilib din ako sa iyo
sa paglimot sa lahat ng akala ko'y totoo
sa paglimot sa lahat ng mga pangako
walang hanggan, at naniwala ako
isang araw..
ninais kong mangarap muli
marahil di na ikaw ang bida
at ako naman, burado parin sa yong alaala
-our
love story ;